Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

May Puwang Para Sa Akin

May isang matandang beteranong sundalo ang matapang at matalim magsalita. Minsan, tinanong siya ng kanyang kaibigan tungkol sa kanyang paniniwalang espirituwal. Kaagad siyang sumagot, “Wala namang puwang ang Dios para sa katulad ko.”

Marahil ang sagot niya ay bahagi lamang ng kanyang ipinakikitang katauhan bilang tigasin at may katapangan, ngunit hindi rin naman ito nalalayo sa katotohanan. Ang Dios ay…

Magkasundo

May nakakatuwang kuwento si Dr. Seuss tungkol sa dalawang tauhan na hindi magkasundo. Ang isang tauhan ay naglalakad patungong kanluran at ang isa naman ay naglalakad patungong timog. Nang magkasalubong sila ay ayaw nilang pagbigyan ang bawat isa na makadaan. Nagaway silang dalawa at nanatili na lamang na nakatayo sa loob ng mahabang panahon sa lugar na pinagsalubungan nila. Ayaw…

Mga Anghel Mula Sa Dios

May natanggap na kard si Lisa na may nakasulat na talata mula sa Biblia: “Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo” (2 Hari 6:17). Hindi makita ni Lisa ang kahalagahan ng talatang iyon. May kanser kasi siya at nakunan pa. Para sa…

Nakakamanghang Kapangyarihan

Habang nangangabayo sa disyerto ng Chihuahua noong 1800, nakakita ng kakaibang puting usok na umiikot paitaas si Jim White. Dahil inakala niyang isang napakalaking sunog ito, agad siyang lumapit dito. Isa palang malaking grupo ng mga paniki na nagmumula sa isang butas sa lupa ang inakala niyang usok. Ang napuntahan pala ni White ay ang Carlsbad Caverns ng New Mexico,…

Masilayan Ang Liwanag

Ikinuwento ng mamamahayag na si Malcolm Muggeridge ang nangyari sa kanya. Isa siyang espiya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinabi niya, “Humiga ako sa aking kama na lugmok sa kawalan ng pag-asa.” Pakiramdam niya noo’y nag-iisa siya at walang nakikitang anumang liwanag.

Naisip niyang lunurin ang sarili kaya pumunta siya sa dagat. Habang lumalangoy, nasulyapan niya ang mga ilaw…